Wednesday, January 11

Pagitan


Habang ako ay nagpapahinga
Doon kita natagpuan, aking Pagitan
Sa kalagitnaan ng aking pag-aalinlangan sa aking naging simula at dulo, ako ay iyong nilapitan
Ginusto kong maglibang at huwag ng malungkot
Sa sandaling kasama ka ako'y nakalimot.
Alam kong ang mga tulad mo ang siyang dapat iniiwasan ko ngunit andiyan ka na
At andito naman ako
Sa una ay maayos ang lahat, pakiramdam ko pareho tayo ng gusto.
Wala ito, sandali lang ito, ang sabi ko.
Kunsabagay, pagitan ka lang naman, mayroon pang tiyak na dulo.
Ngunit sa pagtagal-tagal, lagi ko ng natatagpuan ang sarili ko
Na nasa Pagitan.
Hanggang sa kinalimutan ko na ang aking simula, at ni ayaw ko na makita kung san man ang aking dulo
Basta dito ka lang lagi,
Aking Pagitan.