Guest post by Rowan Velonta:
tulog
Sumama na yata sa dugo ko ang gatas na ininom ko
kanina
ngunit hanggang ngayo'y di pa rin ako dalawin ng
antok
kahit anong lamig pa ang dala ng gabi. Bakit ikaw,
itinumba mo ang matapang na kape, pero hayan
at malayang namamaluktot, yakap ang matigas na unan.
Pinapanood kita sa yong pagbiling-biling sa nilamutak
na kutson.
at sa lumalalim mong pagtulog habang hinuhukay ko
mag-isa
ang gabing iyon, nabibingi rin ako sa hagok ng iyong
paghilik -
hudyat na nagtagumpay ka na naman at narating ang mga
panaginip.
Mag-isa ka na namang nakapaglakbay
sa mga pangarap na dapat tayong dalawa ang aabot.
Nangako naman akong sasamahan kita kahit saan ngunit
bakit
hanggang sa panaginip di mo ako kayang pagtiwalaan.
Iniwan mo na naman akong nakatunganga't naghihintay
sa pagbabalik ng yong ulirat, nag-aabang na sana'y
bigla kang
maalimpungatan at makita mong gising pa pala ako sa
tabi mo
at tila kuwagong nakamasid sa 'yong paghimlay.
Naghihintay
na kahit pakunwari, kahit pasinghal pa, kahit walang
anomang
lambing sabihin mo sa akin: tulog na tayo.
No comments:
Post a Comment