Bato. Maraming tao ang pumapansin sa similaridad ko sa naturang bagay. Minsan kasi hirap sila sa akin. Hirap akong pasayahin. Hirap akong patawanin. Hirap inisin. Hirap pagalitin. Hirap pa-imikin. At minsan mahirap rin kausapin. Dati, dine-deny ko pa ang pagiging bato. Ngunit ngayon, tila mas angkop nga ito sa akin kesa noon. Bato na nga ako, batong-bato pa ako ngayon dito. Wala akong magawa sa bahay. Sa tingin ko, masyado ata akong naging mabilis sa pagtakbo kaya nakatigil ako ngayon –hindi pa umaabot, hindi pa nakakahabol sa bahagi ng sariling nauna na upang makapagtapos. Ngayong hindi ko pa maharap ang realidad, hayaan niyong itala ko muna ang mga nagawa ko sa nakalipas na araw upang mabigyang suri ang aking kinabukasan bilang isang ganap na tao:
1] Huwebes: Gumawa ng plano para sa Sabado kasama ang isang hayskul friend na dumalo sa isang programang pagtatapos sa San Beda upang mangareer ng crush na may girlfriend na umuwi sa Cotabato.
2] Biyernes: Umattend ng sariling pagtatapos.
3] Sabado: Tinamad sumunod sa plano. Sa halip ay bumili ng 4 na pares ng makulay na hoop earrings.
4] Linggo: Nag-surf ng Internet ng 3 oras sa tanghali at 3 oras ulit sa gabi.
5] Lunes: Pumunta sa SM upang ubusin ang nalalabing baon para bumili ng bag o sapatos. Nangako sa sariling hindi bibili ng libro dahil 20 pa ang inaalikabok sa bahay na d pa nababasa. Umuwi na may bitbit na 2 bagong libro at 0 bag/sapatos.
6] Martes: Sa bahay lang buong araw. Sawa na sa Internet. Nagpadala ng mga April Fool jokes sa text sa mga kaklaseng namimiss kung saan ang sarili ay namatay o di kaya’y papunta sa US para maging sundalo. Naubos ang load. Inisip na sumali sa mga nagbabasketbol na mga batang lalake sa labas ng bahay ngunit natauhan. Naisipang makipaglaro sa alagang grey na rabbit. Sinubukang hawakan sa tiyan upang makuha sa kulungan ngunit nagpapalag. Umakyat upang itanong sa nanay kung pano magbitbit ng rabbit. Bumalik sa rabbit upang kunin at bitbitin ito sa tenga. Binitawan ng nabigatan. Baka mapigtal ang tenga. Nakatamo ng maraming kalmot sa kamay. Nag-isip ng ibang pets na maaaring malaro. Naisip ang manok ngunit hindi rin tinuloy ang pagkuha. Tumawag na lang sa isang dating kaklase upang makibalita.pagkatapos, pineste ang tatay upang ilabas ang kanyang lumang piano organ na napapatungan ng mga kagamitan ng kaniyang tatay.
7] Miyerkules: Gumising ng maaga ng marinig na may tumutugtog sa kanyang piano organ. Lumabas upang awatin ang tatay sa paglikha ng ingay at upang agawin ang kaniyang pwesto sa pag-iingay. Nag-attempt kapain ang tamang nota sa “Out of My League” ng Stephen Speaks ngunit na-frustrate. Sumubok sa mas simpleng musika na nangangailangan lang ng isang kamay. Kinapa na lang ang tamang nota sa I Believe, ang soundtrack ng paboritong pelikulang “My Sassy Girl”. Nagtagumpay ngunit dahil siya lang ang nakapanood ng pelikula sa bahay, walang naka-appreciate. Napag-isipang mag-Internet…
No comments:
Post a Comment