Tuesday, February 4

Ang printer namin ay isang sumpungin na bata. Ayaw mag-print ng resumé ko. May kakaibang ngitngit na lumalabas sa kanya habang nagsusumamo akong gumawa siya ng kahit na isang matinong kopya man lang para sacen. At ang ingay pa! Balita ko sa paver ko, may daga daw sa computer room.. di kaya may naipit na bubwit sa loob ng printer namin? Samantala, ang buong computer naman namin ay isang suplado na gawain ang lagi na lang akong kutyain at huwag patapusin agad pag may trabaho akong dapat gawin na kailangan ang tulong niya. Ewan ko ba! Layunin ata ng supladong ito sa buhay ay ang huwag akong patulugin...

No comments: